Thursday, March 19, 2009

Racing Cam

Isa sa pinaka kilalang modification ngayon sa mga underbone ay ang racing cam. Ang cams ay yung nasa loob ng valve head na siyang nag papa taas at baba ng balbula. Ang degree ng cam ay nasusukat sa lobe or yung parang tumpok sa gitna. Ito ang nagbibigay ng duration ng valves kung gaano siya katagal na naka bukas. Kapag mas matagal ang bukas ng valve,mas madaming power,mas mabilis.
  • Ano ang dapat palitan kapag nag racing cam?

Merong mga claim na nagsasabi na kapag nag racing cam ka, kailangan mo mag pa big valve, big bore, pnp(port and polish). But kung hindi ka naman babanat sa totoong aksyon,or karera, palit ka lang ng racing cam and valve spring ok na. Siguraduhin lang na magaling ang mekaniko na gagawa. Dapat hindi tutukod and valve mo sa piston dahil kapag nangyari yun...tapos ang maiinit na sandali ng piston mo. At kung hindi din maganda ang pagka timing ng racing cam mo, lalambot or lalamya lang lalo ang takbo.

  • Bakit parang mas humina ang takbo ng motor ko nung nagpalit ako ng r-cam?

Racing cam kasi,kailangan laging galit ang makina. Dapat laging nasa high rev. Kapag nasa lov rev kasi,parang nanlalambot ang takbo nya. So kailangan laging galitin ang makina para mas ramdam ang takbo.

  • Ano- ano ang stages ng cam?

Sabi ng iba ang cam na : 270 degree ay stage 1, ang 330 degree ay stage 2 at ang 360 degree ay stage 3. Actually kahit ako,im not sure din kasi kung bakit may stages. 270 kasi is stock cams. And stages na ito ay base na lang siguro sa karga ng makina mo. Isipin mo stock mc mo,lalagyan ng 360 degree cam.. over na yun,baka umiyak na lang motor mo at sabihing,"boss di ko na kaya to, ibalik mo na stock ko", Pero kung madami ka na naman mods sa makina mo,ok lang mag lagay ng mga 330 - 360 cams.Kung stock ka lang,pwede pa grind mo na lang cams mo,customized pa sa kung ano gusto mo performance,kung street or race.

  • Pwede ba ang racing cam everyday use at long ride?

For my dos centimos, sagot ko oo.. meron kaming motor na naka racing cam, ok lang takbo nya everyday at long ride walang problema.But ang hindi sure is yung life service nya.. Siyempre may pinalitan ka na hindi kasama sa stock specification ng motor mo,andiyan ang wear and tear ng mga parts.Ok good luck sa mga mods to go!!

6 comments:

  1. Boss balak ko kc mag racing cam.. Stock pa mc ko ano maganda stage e lagay pang long ride po.

    ReplyDelete
  2. Kahit stages 1 ka Lang paps owkie na un ung sps Uma racing cam paps

    ReplyDelete
  3. Stage 1 gamit ko for 1year.ok naman ang makina tapos nag stage 2 ako.triple ang lakas ng stage 2 sa stge 1.after 7months nasira conneting rod ko.di ko po alam kung connectado ba ang sira sa racing cam ko.

    ReplyDelete
  4. Pde po ba stock cams pero naka racing valve spring (dual spring)

    ReplyDelete
  5. Pde po ba stock cams pero naka racing valve spring (dual spring) xrm rs 125

    ReplyDelete
  6. Lods ung sa suzuki hayate na camshaft anu po pwd na ipalit? Mahal ksi masyado ung orig ehh..ty po

    ReplyDelete