Thursday, March 19, 2009

Racing Cam

Isa sa pinaka kilalang modification ngayon sa mga underbone ay ang racing cam. Ang cams ay yung nasa loob ng valve head na siyang nag papa taas at baba ng balbula. Ang degree ng cam ay nasusukat sa lobe or yung parang tumpok sa gitna. Ito ang nagbibigay ng duration ng valves kung gaano siya katagal na naka bukas. Kapag mas matagal ang bukas ng valve,mas madaming power,mas mabilis.
  • Ano ang dapat palitan kapag nag racing cam?

Merong mga claim na nagsasabi na kapag nag racing cam ka, kailangan mo mag pa big valve, big bore, pnp(port and polish). But kung hindi ka naman babanat sa totoong aksyon,or karera, palit ka lang ng racing cam and valve spring ok na. Siguraduhin lang na magaling ang mekaniko na gagawa. Dapat hindi tutukod and valve mo sa piston dahil kapag nangyari yun...tapos ang maiinit na sandali ng piston mo. At kung hindi din maganda ang pagka timing ng racing cam mo, lalambot or lalamya lang lalo ang takbo.

  • Bakit parang mas humina ang takbo ng motor ko nung nagpalit ako ng r-cam?

Racing cam kasi,kailangan laging galit ang makina. Dapat laging nasa high rev. Kapag nasa lov rev kasi,parang nanlalambot ang takbo nya. So kailangan laging galitin ang makina para mas ramdam ang takbo.

  • Ano- ano ang stages ng cam?

Sabi ng iba ang cam na : 270 degree ay stage 1, ang 330 degree ay stage 2 at ang 360 degree ay stage 3. Actually kahit ako,im not sure din kasi kung bakit may stages. 270 kasi is stock cams. And stages na ito ay base na lang siguro sa karga ng makina mo. Isipin mo stock mc mo,lalagyan ng 360 degree cam.. over na yun,baka umiyak na lang motor mo at sabihing,"boss di ko na kaya to, ibalik mo na stock ko", Pero kung madami ka na naman mods sa makina mo,ok lang mag lagay ng mga 330 - 360 cams.Kung stock ka lang,pwede pa grind mo na lang cams mo,customized pa sa kung ano gusto mo performance,kung street or race.

  • Pwede ba ang racing cam everyday use at long ride?

For my dos centimos, sagot ko oo.. meron kaming motor na naka racing cam, ok lang takbo nya everyday at long ride walang problema.But ang hindi sure is yung life service nya.. Siyempre may pinalitan ka na hindi kasama sa stock specification ng motor mo,andiyan ang wear and tear ng mga parts.Ok good luck sa mga mods to go!!

Mufflers

Ito ang isa sa mga pinaka unang mods na ginagwa nating mga underbone riders. Minsan kasi kapag stock parang may hinahanap pa tayo kahit konting dagdag at pipe lang iniintay natin para punan ito.
But hindi ibig sabihin na pag nag palit ka ng pipe ay resing resing ka na agad. Changes are not that drastic but pyscologically,maiisip mo na lumakas ang motor mo.. Madaming pipes na nagkalat ngayon ang pwedeng maka satisfy sa need mo at sa motor mo. Just be sure na para talaga sa motor mo ang pipe,meaning kung raider 150 ang motor mo dapat pang raider 150 hindi yung pang yamaha t135 at kasya ay yun na. Also dapat ibagay din ang muffler sa karga ng makina mo. Tanong tanong ka lang sa mga gumagawa at sa mga nagtitinda ng aangkop sa motor mo.
Kung gusto mo na muffler na may power pero ayaw mo naman ng noisy.go for power pipe. Its silent lang,but with power inside kahit tahimik. Silent killer ika-nga.Jadracing and XJL pipe are known for their powerpipes. But the downside is eto,gaya ng stock pipe,tahimik lang eto. At ang dahilan naman ng iba kaya nagpapalit ng pipe is para medyo maingay or malakas ang tunog para mapansin nga mga fellow riders at cagers. At dito pumapasok ang loud pipe.
Loud pipe,gaya ng name, maingay ito. And it also bring power,power na mas malakas kaysa sa power pipe. And iba sa mga popular na brand ay DBS, Kitti, Endurance na mga imported brands. Pero magandang balita, kung muffler din lang at muffler, di na natin kailangan ang imported. Madami na dito ngayon sa atin mga local brands na kayang kayang makipag sabayan in terms of power. Ang ilan sa mga ito ay YRS, HGM, TenCut, ReplicaPro, 4N at Daredevil pipes.
Alin man sa mga local na brands na ito,you wont go wrong if gusto mo madagdagang ang power ng mc mo. Basta communicate well with the makers para makuha mo desired output na gusto mo sa underbone mo.

Bad Habits When Riding an Underbone

  • Ang Akin ay Akin..Ang Iyo ay Akin Pa Din..

Ang mga underbone ay meron footpeg para sa driver at meron din para sa mga passenger. Kaso bakit merong ibang driver na dun naka tungtong sa passenger peg? Meron naman siyang kanya ah? Paano kapag sa sarap ng takbo mo eh biglang may tumawid na kambing or lalakeng sumisigaw ng balot?? Ang hirap kaya mag panic break nun, ang layo ng break mo. Kapag sinagad naman ang break sa unahan eh baka tumapon ka lalo dahil ang tendency ng body mo ay naka forward na.For safety mo din yun,promise..

  • Pasikat sa Phicks

Tamang touring lang sa daan malapit sa school.. nakita ang crush.. bawas ng kambyo, clak,clak...high rev..bumanat ng wheelie... pumapalakpak si crush natuwa si hinete,nagulat.. ayun taob ang motor.. galusan..sabay alis ni crush...lugi pa sa performance.Wag na kasi mag pa impress.Stay simple as you are.May iba pang ways para mag pa sikat. Yayain mo na lang manood ng Race sa BRC or Carmona.

  • Asan Na "U" Dito Na "Me"

Mga banat sa pag ti-text..ok lang yan.. basta nagkakaintindihan kayo.. Wag lang habang nag drive. Dahil baka sa kaka text mo naka red na pala ang stoplight ay go ka pa din ng go.If hindi maiwasan mag text,stop muna sa isang tabi na safe sabay banat ng "Uy dito pa me,text kita later im driving" di ba mas sosyal.

  • Sa Race Track Lang Dapat Mag Resing Resing

Yung mga ibang tao na makati ang kamay di mapigilan pigain ang throttle,na lahat ng nasa unahan ay gustong i-overtake.Pumili lang tayo ng lugar na isolated yung wala masyadong tao kung hindi talaga mapigilan. At meron tayong mga race track.. Malay natin,isa pala kayo sa mga aspiring racers na sisikat someday. Hone your skill on the right place and at the right time.

  • Drink and Drive

No further explanation for this.. just drink and sleep then tomorrow na mag drive. Bumabagal tayo mag isip kapag nasapian tayo ng spirit nito.So if drink ka,hanggat maari iwasan na mag drive or magpahinga sa isang tabi kapag di na makapag focus.

  • Signal Lights at Senyas

Madami sa atin mga fellow rider ang hindi aware dito.kung kelan liliko na siya, saka mag signal which is late na para sa mga nasa likod para makapag react ng tama. Dapat mga 5 seconds or more before the intersection mag sign ka agad para hindi naman mabigla ang mga nasa likod mo. Kadalasan ito ay nagiging sanhi ng aksidente dahil sa miscommunication. Just practice this kung ayaw nyong ma pwet...

  • Rock En Roll While Driving

Meron mga motorista na habang sakay sa underbone nila makikita mo nag headbang pa habang naka on ang ipod at mp4 sa kanyang tenga.. beep!!beep!!beep!! di naririnig nasa gitna na pala siya ng kalsada at binubusinahan na ng mga fellow riders. Ok lang mag sound and mag rock en roll.. Basta dapat aware ka pa din sa paligid mo and hindi mawawala ang focus mo sa pag drive.

Underbone Riding Outfit

  • Ang helmet ay pang engineer or pagong

Oo nga engineer ka.. pero ibang kaso na pag magmo-motor ka. Una wala yung windshield sa mukha..kapag napuwing ka, siyempre kakamutin mo mata mo.. tapos hindi mo makikita na may sasakyan sa unahan mo,mararamdaman mo na lang na unti unti kang humihiwalay sa motor mo.At isa pa.. hindi DOT or ECE certified ang mga ganun na helmet para sa pag momotor. Hindi pa din safe dun ang ulo mo dahil hindi niya kayang i cover ang buong ulo at mukha mo. Payo lang if bili ng helmet,mag invest na po tayo pandagdag para sa approved and certified helmet para siguradong matibay. Ilan sa mga helmet na ito ay Zeus, AGV, Kyt, Shiro, Arai,Shoei dami pang iba. Motoworld is one of the greatest dealer ng mga protective gears para sa ating needs.

  • Walang suot na gloves

Alam nyo ba na halos sa lahat ng pangyayari na matutumba,nag slide ka,tumilapon ka..ang unang tendency ng utak ay ang iharang or ituon ang ating kamay?kaya madalas siya ang nagagasgas kapag sumemplang tayo. Kaya walang dahilan para hindi natin siya damitan. sa halagang 150 meron ka na mabibili na gloves at kung may budget ka naman meron pang iba na leather at may mga knuckle(patigas). basta nasa iyo din yung pagpili. basta tip lang.. damitan nyo kamay nyo..mahirap din kasi mag Mary Palmer ng galos galos ang kamay(peace!!)

  • flip flop rider

Masarap mag motor ng naka tsinelas,lalo na kapag naka tapak ramdam na ramdam mo ang hangin.. kaso bigla kang sumingit sa traffic, lumusot ka sa tabi ng jeep..nagulat siya at bigla ka nasabitan kaskas sa footpeg,tama sa paa mo.. instant galos or sugat agad. Kung naka sapatos ka,tingin mo sugat or galos agad yun?oo nga sira ang sapatos mo...di naman ang paa mo. So if hindi pa kaya ang mga approved riding boots,kahit anong close shoes would do.

  • japorms jacket

Nung bata ako... akala ko kapag sumakay ka ng motor ok na..libre na sa huli,naka jacket eh.. kaso nito ko lang na realize,naka jacket ka nga.. wala naman mga protective paddings.. parang kulang.. hindi ka lang mangigitim..hindi agad sisitahin nga mga crocs.. kaso what if sumemplang ka.. hindi naman kayang saluhin ng jacket lahat nung impact kung wala siyang mga pads,bulbog pa din katawan mo and kapag medyo malas bali ang buto. Malaki kasi natutulong nga mga pads na ito kahit sa tingin ng iba ay wala itong magagawa.Try nyo Overdose jackets and RomRacing jackets.Panalo mga jacket nila,you wont go wrong porma and safety.


Lahat ng ito ay nangyari na sa akin.. pero ngayon natutuo na ako..tutal nag invest na din naman tayo..sama na din natin sa investment yung mga safety gears natin.. sayang lang kasi ang motor kung pag dating ng panahon ay di ka na makaka sakay dito...di ba?And safety first saka na pa pogi ng motot at pa resing resing. Try nyo kapag kumpleto kayo sa gears mas pogi pa motor nyo tingnan and feeling mo pati ikaw pogi na din.

Underbone

Ano ang underbone?ang mga underbone ay nasa klasipikasyon na nasa pagitan ng mga scooters at motorsiklo.Underbone dahil ng nag iisang frame or kaha na nag sumusuporta dito.

Naging sikat ngayon ang mga underbone dahil sa mura,maasahana at matipid sa gasolina na angkop na angkop ngayon sa ating lipunan

Kadalasan sa mga labas ng underbone ay gumagamit ng carburetors(karburador) na siyang namamahala sa pag circulate ng hangin at gasolina. And kung sa mga ordinaryong motorsiklo ang mga tangke ng gasolina ay nasa bandang unahan,sa underbone naman ay nasa mga ilalim ng mga upuan. Ang gamit ay CDI(Capacitive Discharge Ignition).

Iba't iba ang dahilan ng bawat isa ng pagbili ng underbone. Una bilang gamit transportasyon. Sa mahal ng gasolina ngayon,sobrang laki ng matitipid kapag underbone ang gamit. Service pang school,pang trabaho. Ang iba naman ay ginagawang pang negosyo.Pang deliver ng mga kargamentos, kinakabitan ng sidecar pang benta ng mga fishball at tuhog-tuhog. Ang iba naman ay pang resing resing at pang motorshow. Kung ano man ang dahilan..napaka daming pwede natin magawa sa underbone natin.Ingatan lang ito para matagal ang serbisyo.Malayo at madami pa tayo mararating sa mga underbone natin...